Sa buhay empleyado merong dalawang pagpipilian kung tinatamad kang magtrabaho.
A. Una ay umabsent.
1. Kapag umiikot na kaagad sa katawan mo ang katamaran pagkagising pa lang sa umaga ay mag-isip ka na kaagad ng palusot kung bakit ka aabsent. Paalala: dapat ay memoryado mo ang mga dahilang nagamit mo na dati (tip: gumawa ng isang logbook) ng sa gayon ay hindi ka parang sirang plakang nag-uulit lang lagi ng rason ng di pagpasok. Alalahanin na tuso din ang mga bossing.
2. Kapag nakaisip ka na ng magandang dahilan ay agad mag-text o tumawag sa bossing mo, the earlier the better. Kung ayaw mo ng madaming tanong e mag-text ka at kung nais mo namang tumawag ay siguraduhin mong magaling kang umarte kagaya ng kung ikaw ay kunwaring me sakit ay umubo ka ng paunti-unti habang kinakausap ang bossing mo.
3. Matapos mag-text/tumawag ay bumalik sa higaan at magplano ka na ng gusto mong gawin sa buong araw. Malaking posibilidad na magtutulog ka lang buong araw. Sya nga pala, kapag tumawag ang opisina sa kalagitnaan ng araw, laging tandaan ang rasong ginamit (consistent ka dapat), maaari namang i-off mo na lang ang phone mo para hindi ka maistorbo buong araw.
BABALA: Siguraduhing regular ka na sa kumpanyang pinagtratrabahuhan kung ikaw ay mag-aabsent.
B. Pangalawa ay pumasok
Eto ang dapat gawin ng mga empleyado kapag tinatamad magtrabaho pero ayaw umabsent. Ang mga taong ito ay nuknukan ng kapal ng mukha. Ang mga sumusunod na instructions ay napakasimple pero effective. Meron ding oras na nakatakda, magsisismula ng alas ocho ng umaga at magtatapos ng alas singko ng hapon.
1. Pumasok ng sakto sa oras. Huwag kang male-late at huwag ka din namang excited masyado. 8:00
2. Pagdating mo sa opisina ay ilapag mo lang kaagad ang gamit mo sa lamesa at magtungo kaagad sa pantry. Magtimpla ng kape o kung anuman ang iniinom mo pag umaga. Habang nasa loob ay makipag-usap sa mga tao doon, patagalin mo ang usapan (tip: pag-usapan ang mga headline ngayong araw o mga nangyari kahapon sa loob ng opisina). Kung walang tao sa pantry ay mag-yaya ka ng kasama bago pa man pumasok doon. 8:00-8:30
3. Matapos sa pantry ay magtungo na sa lamesa mo dala-dala pa din ang kape, ito ay para hindi ka antukin buong araw. Buksan ang computer. Matapos nito ay buksan ang mailbox mo. Basahin ang mga email…mapabago man o luma. Buksan lahat ng pedeng buksang attachments, makakabuti ito sa pagpapatagal ng oras. O kaya naman ay mag-email ka sa mga kakilala mong matagal mo ng di nakakamusta. Kapag di ka pa nakuntento ay gawing chat ang email (ito ay sa kadahilanang banned na ang halos lahat ng messengers sa mga kompanya…pati google talk di pinalagpas, mga hayop na IT yan). Pano? Mag-email ka sa kakilala mong alam mong merong access sa internet sa mga oras na yon tapos antayin ang reply…wholla! Instant chat session. Sya nga pala, habang ginagawa ang mga nasa taas ay huwag makakalimot inumin ang kape..lalamig ito. 8:30-9:30
3. Matapos ang makabuluhang paggamit ng computer ay magdala ng mga papel-papel at magtungo sa kung saan mo man nais. Mas maganda kung mukha kang aborido hawak ang mga props mo habang papaalis ng lamesa, ito ay para sabihin ng bossing mo sampu ng kasamahan mo sa trabaho na busy ka lagi. Magtungo sa ibang department na me kakilala at makipag-usap ng kung anu-ano. 9:30-10:00
4. Tignan mo nga naman. Alas dies na! Break time na ulit! Pagkatapos mag-lamyerda sa ibang department ay magtungo ulit sa puwesto at ibaba ang mga scratch paper na props. Dalhin ang tasa sa pantry at magtimpla ulit ng panibagong kape, libre ang kape kaya magtimpla ka lang ng magtimpla. Magtungo sa labas kung ikaw ay nag-yoyosi kung di naman ay manatili sa pantry at makipag-usap ka na lang sa mga tao doon. 10:00-10:15
5. Pagkatapos ng break ay bumalik sa lamesa at humarap sa computer (huwag ng magdala ng kape sa lamesa…tama na ang nainom mo, sisikmurain ka na sa sobrang gahaman). Tapos ka na sa mga emails mo, ngayon naman ay mag-internet ka na lang ng kung anik-anik. Pero bago mag-internet ay magbukas ka muna ng office document kahit wala kang balak gawin ang mga ito, makakatulong ang documentong ito mamya. Tapos ay mag-internet ka na. Paalala: dapat ay alerto ka sa mga tao sa paligid mo, kapag alam mong me padating pindutin ang ALT at TAB ng sabay. Ito ay para makapunta sa office document na binuksan mo kanina. Kung mabagal ang iyong reflexes ay dapat mabilis ka sa paggamit ng mouse para ma-click mo agad sa taskbar ung documentong nasabi. Kapag na-master mo na ang technique na ito ay di na mapapansin ng bossing mo na nag-iinternet ka lang sa mga oras na ito. 10:15-12:00
6. Tama na muna ang computer. Lunch break na! Alam mo na ang dapat gawin. 12:00-1:00
7. Pagkatapos kumain ay gawin ulit ang #5. Habang gingawa ito ay maglabas ulit ng mga scratch papers na para bang me hinahanap. Tandaan na dapat seryoso ang mukha mo habang gingawa ang mga ito (tip: ikunot ang noo para makakuha ng mukhang seryoso). 1:00-3:00
8. Break time na ulit. Ang bilis nga naman ng oras.. Hala..punta na ulit sa pantry. Maaari ka na ulit mag-kape at makipag-chikahan. 3:00-3:15
9. Bumalik sa lamesa at guluhin ito sa pamamagitan ng paglabas ng sandamakmak na mga papel. Tapos ay gawin ulit and #5. Tignan ang oras sa computer mo. Kung 4:30 na ay simulan mo ng ayusin ang ginulong lamesa. Mag-ayos ayos ka na din ng sarili. Kung kasing kapal ng adobe ang mukha mo ay magtungo ka ulit sa pantry para mag-kape (tandaan na dapat me kasama sa pantry) o kaya naman ay gawin ang #3. Matapos ang lahat ng ito ay umuwi ka na, para mo ng awa…wala ka na ngang silbi ay nangdadamay ka pa ng iba sa katamaran mo. 3:15-5:00
C. Magfield ka palagi (Tandaan, ito'y hindi para sa mga empleyadong ang trabaho'y nakatutok lamang sa mga office related works. Ito'y espesyal na ginawa para sa mga empleyadong laging nasa field)
1. Sa teknik na ito, hindi mo na kailangang pagtiisan ang pananakit ng panga sa pakikipagchikahan sa mga officemates o sapilitang pagpapainom sa sarili ng malamig ng kape. Bukod sa wala ka ng dapat na isipin sa kung anong gagawin, makakatulog ka pa ng mahimbing sa oras ng byahe. Una, bago ka pumasok ng opisina'y isipin mo na kung saan mo gustong pumunta. Maghabi ka na rin ng kapani paniwalang alibi para mapabilib mo ang boss mo at payagan kang lumabas ng opisina at mag field work.
2. (8:00- 8:30) pagdating mo sa opisina, mag-ayos ng lamesa at makipagchikahan ng seryoso sa amo. Bigyan ito ng mga positive work updates. Sabihin dito ang gusto nitong marinig at kung may mapupuna man itong kamalian sa trabaho mo ay humingi ka ng pasensya at siguruhing maging maganda ang mood nito kahit mali-mali ang ginawa mong trabaho noong nakaraang araw. Kapag natantiya mo nang maganda na ang mood ng amo ay pasimpleng magpaalam dito at sabihing kailangan mo makapunta sa ganitong lugar dahil nagbarikada na ang kung sinumang Pontio Pilato sa lugar na sinasabi mo o kaya naman ay gusto mo lang mapuntahan ang lugar para maging pamilyar ka doon at pwede ka ng maging guide sa susunod kung may bibisita uli doon. Basta gumawa ka ng kapani paniwalang alibi. Wag kang umarte na tila atat bagkus ay umarte kang tila napipilitan ka lang magfield dahil tawag iyon ng trabaho at nagsasakripisyo ka para sa kompanya.
Sa oras ding ito, dapat siguruhin mo rin na wala kang dadaluhang impportante at critical na mga meeting o training dahil mas o menos, di ka papayagan ng amo mo.
3.(8:30-8:45) Kapag napapayag mo na ang amo mo ay agad na sabihan ito na iiwan lang sa lamesa mo ang kung anuman ang nais nitong ipagawa. Mangako ka rin na gagawin mo iyon pagbalik na pagbalik mo. Pwede mo ring biruin ang amo mo kung ano ang gusto nitong pasalubong nang sa ganoon ay lalo itong masiyahan sa pagiging mabait mong empleyado. Matapos gawin ang mga SOP na iyon ay i briefing na ang tsuper kung saan kayo papunta. Mahalaga rin na sa puntong ito ay alam mo kung saan ang pinakamalayong site para i conduct ang kunwa kunwarian mong field work. Kung maaari ay wag nang isali ang tsuper sa kalokohan na gagawin mo. Hayaan mo siyang maniwala na mag fi field work ka nga. Kung mas kokonti ang nakakaalam sa iyong plano, mas mabuti at malinis.
Kung di mo naman masyadong kabisado ang mga pinakamalalayong ruta, tanungin na ang tsuper subalit wag itong bigyan ng idea sa binabalak mo. Maraming tsuper na kapag nalaman ang gusto mong mangyari ay baka isumbong ka ng mga iito o paglalakarin na lamang. Bakit ba sila magpapakahirap magdrive eh di naman makakabenipisyo sa kompanya ang gagawin mo?
4. (8:45-10-45) Kapag napadesisyunan na ninyo ang inyong ruta ay hala't lumakad na kayo. Wag kalimutang i remind ang tsuper na dapat otsenta lang ang takbo sa sementadong daan at 15 per kilometro sa mga rough roads. Mas maganda rin kung makumbinsi mo pa ang tsuper na patakbuhin ang sasakyan na tila karo ng patay. Mas mahina ang takbo, mas matagal kayong makararating sa paroroonan at mas matagal ang magiging pagtulog mo. Siguruhing bilhan ng snacks ang tsuper para di ito makatulog at baka matuluyan nga ang pagtulog mo ng habam panahon.
5. (10:45-12:00) Tamang-tama, nakarating na kayo sa inyong paroroonan. Pagdating sa site ay mag-ayos ayos ng sarili at kumustahin ang driver sa kaswal na paraan. Tapos ay bumaba ng sasakyan at kunwari'y mag-inspeksyon sa area. Kapag kuntento na ay bumalik sa sasakyan at sabihan ang driver na maghanap na ng makakainan. Siguruhin mo rin na dapat ay mahirapan ang driver na makahanap ng makakainan para makatulog o makapagpahinga ka pa ng mga kalahating oras.
6. (12:00-1:00) Sa wakas ay kumakain na rin kayo. Habang kumakain ay magkunwaring may nalimutan kang kunin sa kung saang lugar mo man maisipan at umarteng tila napakamiserable na sa iyong nagawang katangahan. Ipahiwatig din sa driver kung gaano kaimportante ang bagay na iyon at malilintikan ka ng amo mo kapag di iyon nadala sa inyong pagbabalik. Sa ganitong paraan ay kaaawaan ka ng driver lalo pa kung dagdagan mo pa ang ulam at kanin nito. Makokonsensiya din ito para sa iyo at kahit pagod ma'y magpepresenta itong ihatid ka kung saan man iyong nakalimutan mo.
7. (1:00-3:00) Siguruhing umarte na tila na takot na takot ka at nasusuka kapag binibilisan ng driver ang pagpapatakbo. Mahalagang nakakunsumo kayo ng dalawang oras sa pagpunta sa ikalawang destinasyon. Pero in between those mga kunwari kunwarian ay matulog ka ulit at sigurohing may snacks pa rin ang tsuper mo.
8. (3:00-4:00) Muli'y matagumpay kayong nakarating sa kung saan mo man gustong makarating. Dahil nga sa gawa gawa lang din naman ang sadya mo roon ay magpaalam sa driver na pupunta ka lang dun sa may ikalimang bahay dahil dun nakatira ang taong nagtatago nung mahalagang gamit na kukunin mo. Mahalagang pagsabihan ang driver na huwag ka ng samahan at magpahinga na lamang ito. Pagkatapos niyon ay magkunwari ka ng pupunta sa kung saang bahay iyon pero di mo naman talaga gagawin. Sa unang bahay pa lang na makikita mo ay magtago ka na roon at mag-antay ng ilang minuto. Sa isipan ay dapat ka na uling makapaghabi ng kasinungalingan kung anong kwento na naman ang sasabihin mo sa tsuper.
Paglipas ng mga treinta minutos ay bumalik na sa sasakyan at magkunwaring bigong-bigo na di mo nakita ang hinahanap mo. Mahalaga ito dahil pwede mo itong gawing alibi sa susunod na araw kapag naisip mong magpakatamad ulit.
9. (4:00-6:00) Hayan, dalawang oras na tulog ulit pabalik ng opisina. Bukod sa nakatulog ka na ng mahabang habang oras sa byahe ay nakapag overtime ka pa na walang ginagawa. Pagdating na pagdating mo pa ng opisina ay hahangaan at pupurihin ka pa ng mga kasamahan mo for being such a workaholic. Huwag ng maningil ng overtime meal, masyado ng abuso iyan.
Ps. Tandaan na ang teknik na ito ay para yaon lamang sa mga super kapal na ang pagmumukha na kahit lagari na ang gagamiting pantalop ay di pa rin matatablan.
Babala: Huwag na huwag itong ipapabasa sa bossing mo kung ayaw mong mawalan ng trabaho.
Komento: Kinuha lamang ang mga tips na ito mula sa iba't ibang tao...
Friday, April 23, 2010
Friday, January 8, 2010
2010 Salawikain
To get away from the increasing pressure of our daily lives, inihahandog ko sa inyo ang mga salawikaing ito para magsilbing gabay ninyo sa pagtugon sa iba't ibang problema ng inyong mga kanya-kanyang buhay:
- Natuto kang lumandi, magtiis ka sa hapdi.
- Nasa kama ang sarap, nasa ospital ang hirap.
- Kapag libog ang pinairal, sira ang pag-aaral.
- Walang pangit sa titing galit.
- Pangit man daw at maliit sa paningin, nakakabuntis pa rin.
- Mahapdi man sa unang tikim, sa sarap, mata mo'y titirik din.
- Ungol ng aso'y nakakatakot, ungol ng tao'y nakakalibog.
- Gaano man katigas ng iyong armas, lalambot din yan sa loob ng hiyas.
- Ibaon mo ng kay lalim, lupaypay na kung huhugutin.
Subscribe to:
Posts (Atom)