Sa Laboratoryo ng mga Ghostfighter...
Abalang abala ang grupo ng mga eksperto sa paghahanda ng kanilang kagamitan para lusubin ang pugad ng mga PS 2100 sensors na nasa Latian. Ang grupong ito ay kinabibilangan nina Kuya Jun, Rona, Kuya Ricky, Tonying, at Toto Kanding. Sila'y pinamumunuan ng taong nagngangalang FPJ. Ang bawat isa'y di magkandaugaga sa pag empake ng mga tools at baril sa sasakyan nina April at Doncarl. Habang sina Rona at Ricky ay naatasang ihanda ang sandamakmak na bala at granada, si Kuya Jun naman ang natoka sa paghahanda ng pagkain at pagsigurong nasa mabuting kondisyon ang sasakyan nina April at DonCarl.
Kung kukwentahin, ang misyon na natoka kay Kuya Jun ang pinakamahirap dahil kailangan niyang siguruhin na ang pagkaing mapupunta kay Rona ay walang baka pero dapat my corned beef... ang kay Ricky naman ay dapat pork-free meals pero dapat ito'y ginisa sa mantika ng baboy... kay Tonying naman ay barbecue na ginawang palaman sa McDO burger... samantalang kay Toto Kanding ay crispy pata na ibinabad ng isang araw sa Tanduay at Red Horse... Hindi pa nakuntento ang kapalaran na pahirapan si Kuya Jun ay kinailangan pa nitong bumili ng sangkatutak na yema at McGregor's coffee para kay April at Doncarl dahil hindi magmamaneho ang mga ito kapag di nakuha ang gusto... Dinagdagan pa ni FPJ na ang gusto lamang inumin ay Fit N' Right na Coca Cola Flavor... Parang impsoible man ay nagawa 'tong lahat ni Kuya Jun sa tamang oras kaya naman ang matanda'y tuwang tuwa at nagbida kay Rona na abalang abala sa pagpapacute kay Jojo.
Kuya Jun: Tingnan mo, Rona. Ang dali lang pala mag-organize ng sasakyan at pagkain. NO SWEAT!!! HA!
Rona: Ows? Sure ka, Kuya Jun?
Kuya Jun: Oo naman kaya tara na...
Kaya hayun, nagsimula na silang maglakbay patungo sa kanilang paroroonan. Sina FPJ, Rona, at Kuya Jun ay sumakay kay Doncarl samantalang ang Tonying at Toto Kanding ay pinili ang batam batang si April. Habang nasa daan, sige pa rin ang bida ni Kuya Jun. Di niya mapaniwalaan na nagawa niya ang trabaho niya not only with flying colors but with flying hair pa sa sobrang bilis ng patakbo ni Doncarl. Biruin mo na 180 kph na ang takbo ng sasakyan ng hunghang sa zigzag road ng Sulop. Magkagayunpaman ay hindi ito alintana ni Kuya Jun at pinagyabang pa kay FPJ ang achievement niya ng umagang 'un.
Kuya Jun: Bilib ka na sa akin Sir, noh? Baka pwede mo na akong mabigyan nyan ng gradong naka dekwatro sa Employee's Performance Evaluation Review? (sabay agad ngiti)
Lumingon si FPJ at nagsalita.
FPJ: Dyan talaga ako bilib sau, Jun. Kahit presko ka pero maayos kang magtrabaho. Sige yaan mo at isa-suggest ko yan sa supervisor mo. Ikaw, Rona? Anong gusto mo? Nakadekwatrong grado din?
Mahinhing ngumiti si Rona.
Rona: Ay, Sir! Ok na po ako sa lumilipad na grado...wag na wag lang po ung hugis kandila...
Tumango tango si FPJ at inayos ang pagkakaupo na tila prinsesa sa front seat. Di na agad ito nagsalita. Kung may iniisip man ito, ito lamang ang nakakaalam.
Samantala, ang kasiyahan ni Kuya Jun ay biglang nahalinhinan ng pag-aalala. Bigla'y naalala niya ang naunsyami niyang pag-ibig kay George. Biglang nilukob ang buo niyang pagkatao ng sakit na idinulot niyon. Kumusta na kaya ito? Hindi kaya't nakapag-asawa na ito ng B'laan sa Bong Mal? Agad niyang ipinilig ang ulo sa ganoong kaisipan. Imposible! Nasa tabi niya ang babaeng mahal na mahal ni George at pag-aalayan ng lahat-lahat. Kung sana'y di lang siya nagkamali sa paglalagay ng gayuma eh di sanay naging sila na ni George. Tang-ina naman kasi, ano bang malay niya na paborito pala ni Rona ung nilupak na saging na dapat sanay ay para kay George? Yun tuloy, ang babaeng makapal ang mukha ang kumain ng nilupak na may gayuma. Buti nalang ay di iyon tumalab. Kapwa kasi kami babae, bigay katwiran niya sa sarili.
Magse-senti pa sana si Kuya Jun nang biglang sumigaw si Rona. Biglang napalukso si FPJ sa kinauupuan. Si Doncarl ay biglang napaapak sa preno. Subsob ang lahat. Wasak ang windshield dahil lumusot ang ulo ni FPJ dun. Mula 300 kph na takbo, nagdecelerate hanggang dos. Mabilisang hinila ng pobreng tsuper si FPJ na kakawag kawag ang paa. Sa awa ng kalikasan at himala ng mga nuno, di man lang ito nagalusan. Nilingon agad nito si Rona at pasinghal na nagsalita.
FPJ: Syyyyeeyt! Ano ka ba namn, Rona? Maghunus-dili ka nga!!!
Napakamot sa ulo ang babaeng napakain ni Kuya Jun ng gayuma.
Rona: Sir, pasensya po. Eh kasi naman po, nagtext si Jojo na nagpagawa daw siya ng aso na kamukha ko. Eh ayun, kinikilig po ako!
Sasagot na sana si FPJ nang biglang sumabat si Kuya Jun.
Kuya Jun: Tang ina! Landi mo! Para 'yan lang?!!! Magpapagawa nga ako ng Customized Toyota Hilux na kamukha ni George! Animal! Imbes gusto ko pang makaabot ng sandaang taon eh titigukin mo na ako ngayon!!!
Hindi nakaimik si Rona. Nanlaki ang mata ni FPJ. Ano kaya ang susunod na mangyayari?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment