Monday, July 27, 2009

Moments with Doncarl Part 1

Alas kuwatro ng hapon, sa may pantry area ng opisina...


Fearless Maiar a.k.a Yours truly: "Doncarl, magkakape ka ba?" (ang tamis tamis pa ng pagkakangiti ko).

Doncarl Honey: (Nagkamot pa ng ulo ang hinayupak at pilit na ngumiti) "Yes, Ma'am."

Fearless Maiar a.k.a Yours truly: (Agad na bumilis ang kilos at nagmamadaling kinuha ang garapon ng kape para ibigay sa pinakamamahal na Doncarl) "Doncarl, heto oh... Gusto mong ako pa ang maglagay ng kape dyan sa tasa mo?"

Doncarl Honey: (Napamulagat ang mata at kulang nalang tumakbo palayo sa akin) "Di na po, Ma'am...Okay lang po... Meron na po..." (Matapos sabihin ang mga katagang iyon ay nagmamadaling lumayo sa akin at sa halip ay nilagyan ng asukal ang tasa at sinalinan iyon ng mainit na tubig)

Fearless Maiar a.k.a Yours truly: (Napipikon na sa kaartehan ni Doncarl) "Doncarl, ikaw na nga ang pinagsisilbihan eh ikaw pa ang nagpapakipot. Ano ba talaga ang problema mo? Ito na ang kape, ba't di ka pa kumukha?"

Doncarl Honey: (Humahakbang palayo) "Ma'am wag naman po kayong ganyan. Driver lang po ako. Ok na po ako sa kapeng ito." (Pagkuwa'y nilagok ang laman ng tasa at...) "Walanghiya! Bat puro asukal 'tong laman ng tasa ko?"

BUTI NGA!!!

No comments:

Post a Comment